Thursday, June 16, 2011

Author

Itong Blog na to ay para sa mga Pinoy na gusto matuto mag Blog sa pinaka madali at mas malinaw maintindihan na paraan. Marami sa mga Pinoy madalas gumamit ng Internet at karamihan dito ay gusto mag sulat tungkol sa mga kinahihiligan nila. Maraming nawiwili magsulat sa kinawiwilihan nilang bagay, tulad ng paborito nilang artista, manlalaro, singer, opm band, koleksyon ng mga larawan at iba pa.

Blogger ang pinaka madali at libreng website para ilabas ang mga magagandang kaisipan mong gusto ilathala sa internet. Sa pamamagitan nito mababasa na ng lahat ng tao sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo. Di lang yun, pwede ka pa kumita ng dollars ($) sa mga sinulat mo.

No comments:

Post a Comment